Saturday, November 12, 2011

Kanino Mo Gustong Mahulog? :)

ONE WOMAN MAN. Isa to sa mga pinapangarap ng mga babae, ang maging loyal yung lalaki sa kanila. Wala siyang ibang nilalandi at talagang sigurado kang sayo lang siya. In short, sa panaginip mo lang talaga sya makikilala :))

THE GAMER. Ito naman yung boyfriend na mahilig sa mga laro sa computer games. Madalas na kaaway ng babae eh dota o kaya naman NBA. Kaya kung mag mamahal kayo ng gamer, sana maintindihan niyo muna yung consequences. Mas mahaba pa ang oras na kaharap nya ang PC kesa sa time na kasama ka nya.

ATHLETE. Pwedeng basketbolista, o kahit na anong sport pa yan. Isa to sa mga nakakapagpakilig sa mga babae, na kapag varsity yung boyfriend nila sa school eh talagang nakakalaglag panty este panga sila. Maraming tumitili sa bawat tira nila, pero maraming beses rin sasakit ang ulo mo ng dahil sa mga tagahanga nya.

GEEK. Mga boyfriend na maraming alam sa mga trivia, para silang kuya kim kung minsang bumira. Marami kang matutunan sa kanya sa mga iba’t ibang klase ng bagay. Kailangan marami ka rin alam para hindi ka mapag iiwanan ng mga nalalaman nya.

BLOGGER. May mga lalaki talagang mahilig mag blog. Ang mga blogger daw ay masarap magmahal dahil expressive sila sa mga nararamdaman nila. Bihira ang mga ganitong boyfriend na insensitive dahil aware sila sa iba't ibang feelings.

HAPPY-GO-LUCKY. Eto naman yung klase ng boyfriend na parang magkabarkada lang kayo kung mag turingan. Mga mahilig lang sumabay sa agos ng buhay. Walang kasiguraduhan ang mga ganitong boyfriend. Next thing you'll know, wala na pala kayo at balewala lang sakanya ito.

POSSESSIVE. Ang favorite nilang linya ay “bawal”. Pwedeng bawal ka pumunta kina ganito, bawal kang umalis ng bahay, bawal kang mag suot ng ganyan. Sakit sa ulo mga ganitong boyfriend lalo na sa panahon ngayon, knowing that we are living in a different generation. Kung ang boyfriend mo ay ganito, much better na ireto mo nalang sya sa lola or tita mo. Ganitong boyfriend ang hinahanap nila noong panahon nila :D

JOKER. Masarap din mag mahal ng ganitong klaseng boyfriend. Dahil di kayo magkakaroon ng dull moments dahil sa tindi ng sense of humor. Masarap makipagtawanan sa kanila. Pero pag nakipag break na sayo to, hindi mo rin malalaman kung tatawa ka ba o totoo na pala ang sinasabi nya.

MAN WITH FEW WORDS. Boring type naman tong mga to. Parang boy next door type. Ewan ko pero may mga babae yung gusto yung ganitong klaseng lalaki. Para bang ang mga replies niya sayo ay parang end of conversation agad. Kung minsan, mas pipiliin mong maging single nalang dahil sa sobrang bored mo na sakanya.

FLIRT. Wag kang kukuha ng ganito. Sila yung mahilig makipagkilala sa ibang babae kahit na alam nilang may girlfriend na sila. Pwede namang makipag-flirt kung di ka pa committed. Pero kung meron na, its a big NO.

ADVENTUROUS. Sila yung mga full of surprises na boyfriend, mahilig sila sa mga extreme na ginagawa ng mga magkakarelasyon. Puro kayo kilig kapag ganitong klaseng boyfriend ang makukuha niyo kasi lagi kayong magtataka kung ano ang gagawin niya. Pero mas mabilis kang madi' disappoint kahit na isang beses lang sya pumalya sa pag' surprise sayo.

MUSIC LOVER. Nakakakilig lang lalo kapag marunong sila ng instruments or at least kumanta. Talagang mapapaihi sa kilig yung babae kapag nag harana na yung lalaki kahit sintunado pa to.Mas malakas ang datingan ng boyfriend lalo na kung may hawak na instrument kahit na hindi sya kumanta.

DREAMER. Para sa akin, kung kukuha ka ng boyfriend ito ang kunin mo. Sila yung may mga pangarap sa buhay. Yung marunong mag set ng goals para sa inyong dalawa. Siya yung tipo na FAMILY ORIENTED na tao. Masarap mahalin ang mga to kasi alam mong safe ka sa kanila. Hindi naman mahirap hanaping ang ganitong klase ng lalake sa panahon ngayon. Kailangan lang talagang kilalanin ng mabuti para malaman mo kung ganito syang klase ng tao.

Iba-ibang uri ng lalake, iba-iba ring pag-uugali ng mga lalake.. Pero sa paanong anggulo mo man gustong tignan, kahit pa pumili ka sa mga nakalista, once na na-inlove ka, hindi mo na ulit ma'aalalang balikan ang listahang ito. Pero pag nasaktan ka sa minahal mo, saka mo lang maiisip na once in your life, nagawa mo palang pumili kung anong klaseng lalake ang gusto mong makasama, pero sa isang kindat lang, este iglap lang, wala na..ang pinapanagarap at gusto mong makasama na MR.DREAMER, kay MR.FLIRT ka nahulog, at hindi lang basta hulog kundi lumagapak ka pa talaga.. :)

No comments:

Post a Comment

Followers